"http://www.w3.org/TR/xhtml1/DTD/xhtml1-transitional.dtd"> hole in the wall
Tuesday, January 23, 2007
A short poem in my Friendster blog:
lolo mong kalbo

sa mga masasamang elemento.
mamatay na sana kayo.
kahit walang regalo sa pasko.
ok masaya na ako.

kase tangna nakakapanlumo.
ganitong walang nagbago.
ipit pa rin sa dalawang bato.
kaya eto tinula ko.
Yes it's pathetically simple but it was out of the blue. So I was taken aback by Lynne's reply, as it was so good:
Sapantaha kong iyong ikinukubli
Kapangyarihang mong di pasusupil.
Ba't di ituloy ang niloloob na pagkitil
Sa mga sanhi ng iyong paghihiganti?

Isang matinding ulos lamang ang katapat
Ng mga batong tila ayaw maglapat.
Sa pasko, lahat ng lakas ay ialay
Upang sa saliw ng lamig, alab ni lolo'y manlupaypay.
Had me scrambling for a Tagalog dictionary lol. But she asks a question, and recently I finished my lyric response:
paraang nabanggit
matindi nga ang hagupit
pantapos nga ngunit
angkop lamang sa malupit

kung ngayon ma'y ipit
at may banta ng pagpiit
di pa sobrang gipit
para sa punyal kumapit

anong masasapit
ng konsensyang magngingitngit
ng pusong papait
pagtakwil lamang ng langit

araw ay sasapit
pagsingil na nalalapit
pagkampas ng karit
at walang patid na sakit
Yes it's still single rhyme, did you expect improvement? Phew I just felt like orating in a Balagtasan.

Labels: